Thursday, January 13, 2011

Scene 2 script of hating kapatid

“Scene 2”
Dj : Makikiabot naman Cecile . Teka ilan yung Kinuha ?
Rica : Apat-apat yung kinuha
Lola : Rica! Apo aalis muna ako ha. Maniningil lang ako ng pautang . Yung tindahan wag mong iiwan ha . Kapatid mo bantayan mo ng mabuti yan ha.
Rica : O..oo naman, siyempre naman ho .
Lola Gerly : yun mga sukli bilangin nyo baka tayo malugi!
Rica : Opo
Lola : Halika nga dito apo yung kapatid mo bantayan mo ha baka mamaya nawawala yan nakikipagdate dun sa boyfriend niya na si Bong . Yung kutong lupang yun
Rica : Hindi naman . Hindi
Lola Gerly : Oh alis na ako . Bantayang maige yan.
Rica : Bye! ( pabulong na tatawag sa kapatid)
Ces ! Ces!
Cecile : oh?
Rica : Malaki ka na naman di ba? ( Sabay nang pagsagot ni cecile ng oo) Kaya mo nang bantayan itong tindahan . Tutal pasara na naman tayo di ba? Ehhh.. akaya mo na ito
Cecile : Oo
Cecile : Opo te
Cecile : oh eh may bibilhin lang ako diyan sa kabilang tindahan . Babalik ako kaagad .
Cecile : Makikipag-date ka lang kay kuya Bong eh..
Rica : Ikaw.. Ikaw talaga ha.. Bakit mo naisip yan? Hindi ko naisip yan.
Cecile : Eh kasi kanina pa siya diyan nagtatago. Kuya Bong ! Labas na kuya Bong ! Kuya Bong!
Dj : Yun sabi ko na nga ba eh
Rica : Oh eh .. Wag kang maingay maingay kay lola ha . Sandali lang naman itong date na ito eh . As in quick lang . Meryenda lang tapos babalik na kami kaagad ok ba yun?
Cecile : Ok
Rica : Oh akin na iyong Bag ko!
Dj : Pasalubong ha !
Rica : Oo naman
Cecile : Ingat te!
Rica : bye-bye!
Cecile : Kuya! Kuya oh! Okey nay an !
Al Tantay : Good evening
Cecile : uy Kuya!
Dj : Huli ka na . Kinuha na yung basura namin kaninang umaga
Cecile : oo nga
Al Tantay : Loko to ah .Sandali bibili ko ng paputok ah
Al tantay : Anong pinakamalakas na paputok ang nandyan ?
Cecile : ah
Cecile : Ah ito pong sintron ni hudas ! Diretso po ang putok nito !
Al Tantay : Sige pwede ba nating Testingin?
Cecile : Ay sure po basta dito po kayo sa loob diyan kami sa labas
Al Tantay : (tatawa) Binibiro lang kita . Masyado kang palapatol
Dj : Paabot nga ng Sputnik
( Maninigarilyo sa harap ng tindahan ng paputok ninda Cecile )
Dj : Hoy bawal manigarilyo ditto ! patayin mo yan
( magigitla si al tantay at mapapahagis ang sigarilyo sa loob ng tindahan hanggang sa pumutok ang fountain at masunog ang tindahan )
( mapuputukan si Cecile at pagkatapos bubuhatin ni dj si Cecile na sugatan )